Debate sa RH bill itinigil na

SA PAMAMAGITAN ng “ayes and nays” votes, lumamang ang pumabor na itigil na ang debate sa House Bill 4244 o ang Reproductive Health bill.

Ito ay matapos tumayo si Muntinlupa Rep. Rodolfo Biazon na nagpahayag ng kanyang pagsang-ayon sa mosyon ni Majority Leader Neptali Gonzales na itigil na ang debate.

Iginiit ni Biazon na sa anim na taon ng pagsusulong niya sa RH bill ay nabatid niyang 82 porsiyento ng mga Pilipino ay pabor  sa  RH bill.

Binigyang diin pa nito na lahat aniya ng tanong at sagot ay paulit-ulit na lamang.

Nakiusap naman si Gonzales sa mga kasamang mambabatas na “if you don’t want my motion then vote it down.”

Nanaig ang mosyon ni Gonzales na itigil na ang debate matapos payagan na magsalita sina Reps. Hermilando Mandanas, Mitos Magsaysay at Amado Bagatsing.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply