Debate sa RH Bill, tingnan sa punto de bista ng maralitang kababaihan

MARAPAT tingnan mula sa punto de bista ng maralitang kababaihan ang kasalukuyang debate sa reproductive health bill sa Kongreso.

Ito ang panawagan ng Gabriela Women’s Party habang nagpapahayag ng suporta ng pagtatapos ng debate sa naturang panukalang batas.

Ayon kay Gabriela congresswoman Emmi de Jesus, sa 221 nanay sa kada 100,000 panganganak, karamihan sa mga biktima ay maralita.

Ang pagbibigay ng libre, de kalidad at napapanahong serbisyong medikal sa mga buntis na kababaihan ang pinaka-importanteng layunin ng panukalang batas, paliwanag pa ni De Jesus.

Alalahanin dapat ang  mga kababaihan hindi lamang sa panahon ng eleksyon kundi sa lahat ng panahon, dagdag ni De Jesus.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply