Delay sa suplay ng LPG, isinisi sa bagyo at habagat

PINAGBUNTUNAN ng sisi ni LPG Marketers Association Partylist Rep. Arnel Ty bagyo at habagat na naging dahilan ng  kakulangan sa suplay ng liquified petroleum gas (LPG) sa bansa.

Ayon kay Ty, noong July pa ay may isang oil company na ang naubusan ng suplay ng LPG bago pa dumating ang bagyong Gener at habagat sa bansa.

Payo nito sa DoE, dapat nang abisuhan ang tatlong malalaking oil companies na tulungan ang isang kumpaniya na nangangailangan ng suplay ng cooking gas.

Ang naging ugat umano ng problema ay ang pagka-delay sa bansa ng suplay ng LPG mula Taiwan dahil sa nagdaang bagyo sa kanilang bansa.

Nilinaw ni Ty na naudlot na naman ang pag-garahe nito sa ating bansa nang dumating ang bagyong Gener at ang habagat.

Wala pa naman paggalaw sa presyo nito at asahan naman na magiging normal na ang suplay ng LPG sa bansa sa bukas Lunes dahil sa patuloy na pagganda ng panahon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply