Demolisyon sa 236 bahay sa Makati tuloy

DAHIL ayaw magsibalikan sa kani-kanilang lalawigan ang mga residente ng 236 bahay sa Guatemala St. Bgy. San Isidro, Makati ay itutuloy na ng lokal na pamahalaan ang naunsiyaming demolisyon.

Nabatid na nagmatigas ang karamihan sa lugar na lisanin ang lupang pagmamay-ari ng pamahalaan na nagbarikada pa nitong Huwebes kaya hindi naituloy ng mga awtoridad ang demolisyon.

Ayon kay acting city administrator Marjorie de Veyra, ngayong na-validate na ng DILG ang certificate of compliance na inisyu ni Makati City Mayor Jejomar Binay noon pang Hulyo 1, nakasaad na ginawa na ng lokal na pamahalaan ang lahat ng mapayapang paraan at naaayon sa batas upang maresolba ang isyu hinggil sa pagpapaalis sa mga residente na umuukopa ng lupa ng lokal na pamahalaan.

Ayon sa barangay captain ng nasabing barangay, 30 pamilya lang ang pumayag na ma-relocate sa Calauan Laguna, na bibigyan ng 3 day food allowance, kasama sa mga programa ng Makati gaya ng livelihood program, capability building, cash for work at food for work program.

Siyam na pamilya lamang ang pumayag sa financial assistance na lilipat sa ibang lugar pero walang nagnanais bumalik sa kani-kanilng lalawigan.

Itatakda muli ang demolisyon ng lokal na pamahalaan ano mang araw sa susunod na buwan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply