Demolisyon sa Payatas, nakaamba

NAGKAKAGULO ngayon ang mga residente na maapektuhan ng nakaambang demolisyon ng pamahalaang lungsod matapos silang makatanggap ng abiso mula sa pamunuan ng Payatas dumpsite  ukol sa alok sa kanila sa isang relokasyon sa Rodriguez , Rizal.

Ayon sa ilang residente, noong biyernes pa sila inabisuhan  ni Ret.Col. Jamil Jaymalin ng dumpsite kung saan inaalok umano sila nito na bibigyan ng relokasyon sa Eco Ville, San Isidro, Rodriguez, Rizal dahil magkakaroon ng demolisyon sa kanilang lugar ano mang araw iutos ng pamahalaang lungsod.

Napag-alaman na maapektuhan ang mga residente na naninirahan sa gilid ng dumpsite sa may Leyte at Zamboanga Sts. Payatas B.

Sinasabing ang kinatitirikan ng mga bahay nila ay pag-aari umano ng GSIS at may proyekto na aniyang gagawin ang gobyerno sa lugar.

Kasalukuyang nagpupulong ang mga residente sa lugar upang talakayin ang kanilang gagawing mga hakbang upang hindi muna matuloy ang planong demolisyon sa kanilang lugar.

Anang mga residente, maraming mga bagay ang maapektuhan sa kanilang mga pamumuhay sakaling agarang ipatupad ng gobyerno ang demolisyon na bukod sa mawawalan ng bahay ay maapektuhan ang pag-aaral ng kanilang mga anak gayundin ang kanilang pinagkukunan ng ikabubuhay sa araw-araw.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply