Dengue cases sa Naga City pumalo na sa 751

PUMALO na sa bilang 751 ang naitalang kaso ng dengue sa Naga City.

Ayon sa provincial health Office, lalo pang tumaas ang mga nadale ng naturang sakit na naitala mula sa buwan ng Enero hanggang buwan ng Hulyo.

Bagamat inaasahan na rin ng Health department ang pagtaas ng kaso ng dengue dahil sa ilang araw na pag-uulan ay tuloy-tuloy naman ang kampanya nila upang labanan ang dengue.

Ang pagsasagawa ng fogging ang isa sa pamamaraan ng lokal na pamahalaan ng Naga City upang mapuksa ang mga lamok na may dalang dengue.

Patuloy din ang information drive at house to house campaign ng provincial health office.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply