DENR: Paglilipat kay ‘Lolong’ sa PAWB ‘di ipinipilit

IGINIIT ni Environment Secretary Ramon Paje na hindi sapilitan ang paglilipat kay ‘Lolong’ sa Protected Areas and Wildlife Bureau (PAWB).

Ani Paje, ipinakita lamang nila kay Bunawan Mayor Edwin Elorde ang lawa sa Ninoy Aquino Parks and Wildlife (NAPW) na maaaring ayusin para maging permanenteng tahanan ni Lolong kung papayag sila.

Aniya, kapakanan lamang ni Lolong ang iniisip ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) dahil kailangan nito ang maayos na tahanan lalo pa ngayong idineklara na itong “biggest crocodile in captivity in the world.”

Ani Paje, mas mapapangalagaan si Lolong kung malapit ito kay PAWB Chief Theresa Mundita Lim, na nag-oopisina sa loob mismo ng NAPW.

Kung ang kikitain naman umano sa turismo ang pinuproblema ni Elorde at ng mga taga-Bunawa, nakatitiyak umano siyang mas malaki ang kikitain ni Lolong sa NAPW dahil mas madali itong puntahan sa Metro Manila.

Maglalaan din umano sila ng ilang bahagi ng kikitain ni Lolong sa pamilya ng mga naging biktima nito, partikular ang 12-anyos na si Rowena Romano.

Ngunit kung talagang ayaw umano ng mga taga-Bunawan ay hindi nila ipipilit na mailipat si Lolong sa NAPW, liban na lamang kung mapatutunayang hindi nila ito mapangangalagaan ng husto.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply