Derrick Monasterio, nag-celebrate ng kanyang 17th birthday sa set ng Luna Blanca

WORKING birthday para kay Derrick Monasterio dahil nag-report siya sa set ng Luna Blanca last Wednesday. Pero bandang hapon, pumunta siya sa Manila City Jail at nagpakain sa isang grupo ng prisoners.

Pero sa set ng Luna Blanca, maaga pa’y ibinigay na ni Barbie Forteza ang kanyang birthday gift sa kanyang leading man na isang Fossil brand watch.

Balitang matagal nang gustung-gustong bilhin ni Derrick ito sa kanyang sari-
li.

Bilang pasalamat naman ni Derrick sa magandang regalo sa kaarawan niya ng  kanyang leading-lady sa Luna Blanca, binigyan naman ni lalaki ang dalaginding ng bagong Gap jacket at paboritong bulaklak nito.

Ngayong lang nagka-partner sina Derrick at Barbie pero matagal na silang magkakilala sa set ng Tween Hearts.

Habang tumatagal ang kanilang pagsasama sa set ng Luna Blanca, nagiging sweet na sila sa isa’t isa.

Maalalahanin kasi si Derrick kay Barbie at panay bantay sa set. Madalas kasi sa squatter at basurahan ang kanilang set. Halos ayaw padapuan daw ni Derrick sa langaw ang kanyang leading lady. Bukod pa rito, tuwing darating ang binatilyo sa umagang call time nila, hindi ito nawawalan ng pasalubong sa kanyang leading lady.

Ano pa ba kundi ang paboritong chocolate ni Barbie.

000

Nora Aunor, dumating na sa Pilipinas pero di pa rin naoperahan

‘DI NATULOY ang operasyon sa lalamunan ni Nora Aunor nang bumalik sa America last month. Naka-schedule muli siyang pumunta sa America sa October 2012. Wala raw kasi ang kanyang attending doctor nang pumunta siya sa US.

Busy raw sa isang ospital sa London.

Pero last Thursday (August 2) ay naka-schedule na siyang makipag-meeting kay Mr. Perci Intalan, head ng entertainment production ng TV5. Pag-uusapan agad ang bagong soap opera ni Ate Guy.

Sa pagbalik na ito ng batikang aktres sa bansa, may nakahanda agad na isang soap opera para sa kanya.

‘Di sure si Ate Guy kung makasasama siya sa Venice sa paglapapalabas roon ng movie niyang Thy Womb na kasama sa competition. Priority ni Ate Guy ang soap niya sa TV5.

000

Dennis at Bianca pa rin ang nagmamahalan!

OKAY pa rin ang relasyon nina Dennis Trillo at Bianca King. Pinatunayan ito ng aktor sa isang interview sa kanya kung saan sinabi niyang laging may communication pa rin sila ni Bianca. Di lang daw siya nakasama sa Canada sa dalaga dahil sa marami siyang project ng umalis ang dalaga.

Samantala, habang walang soap opera pa si Dennis sa GMA 7, busy naman siya sa mga guesting. Katulad ngayong gabi ay nasa Bubble Gang siya at kasama niyang panauhin sina Max Collins at Mikey Bustos.

Tampok na gags ang Hindi Pa Tapos ang Laya, ang spoof naman ay Biogesic commercial.

000

Together Forever, mapanonood na tuwing Sabado

SIMULA August 4, mapanonood na ang youth-oriented romantic-drama series ng GMA Network, ang Together Forever, sa bago nitong timeslot tuwing Sabado ng hapon pagkatapos ng Startalk TX.

Ang Together Forever ay pinagbibidahan ng isa sa mga hottest young love teams sa telebisyon, sina Elmo Magalona and Julie Anne San Jose. Kasama rin dito sina Janine Gutierrez, Lexi Fernandez, Enzo Pineda, Sef Cadayona, Steven Silva, Benedict Campos, Renz Valerio, Patricia Ismael at Ms. Jackie Lou Blanco.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply