Desisyon ng Pasay RTC, iaapela ni De Lima

MASAYANG nakauwi ng kanyang tahanan si dating Comelec Chairman Benjamin Abalos, matapos payagan ng Pasay RTC branch 112 ang petisyon nitong makapagpiyansa.

Dinala ni Pasay City clerk of court Rodelio Buenviaje ang resolusyon ng korte sa SPD detention cell dakong ala-una ng tangahali, at ng ipaalam kina Abalos at mga abugado nito ang resolusyon ng korte ay, nagpiyansa na ang mga ito sa Pasay RTC sa halagang P1milyon, dahil 2 counts ang kinakaharap na kaso ni Abalos.

Sinabi ng clerk of court na ,”moto propio” ang desisyon ng korte na payagan ang petisyon ni Abalos, o walang sinumang naka-implwensya sa kanilng resolusyon.

Ayon kay Judge Jesus Mupas, bigo ang Comelec na mapatunayang may kinalaman ang dating Comelec chair sa umano’y dayaan na naganap sa Cotabato noong 2007 elections.

Samantala, dismayado naman si Justice Sceretary Leila de Lima sa Pasay RTC kung saan kinuwestyon nito na paano nakapagdesisyon agad ang korte na payagan ang petisyon ni Abalos ng madalian o “overnight”.

Malakas naman umano ang mga ebidensiyang hawak ng Comelec sa kasong electoral sabotage laban kay Abalos ,kayat maghahain sila ng motion for reconsideration sa pagbibigay ng piyansa dito.

Nagpalabas din ng Hold Departure Order ang korte laban kay Abalos at binigyan ng kopya ang Bureau of Immigration at Department of Foreign Affairs upang mapigilan ang anumang pagtatangka ni Abalos na lumabas ng bansa.

Tumuloy naman dakong alas-4 ng hapon pagkalabas ng SPD Detention Cell si Abalos sa kanilang ancestral homes sa barangay Addition hills sa Mandaluyong City.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply