Detachment ng militar, sinalakay ng BIFM

SINALAKAY ng armadong grupo ng Bangsamoro Islamic Freedom Movement ang mga detachment kasama na ang headquarters ng 1st mechanized brigade ng Philippine Army sa ilang mga barangay sa mga bayan ng Datu Saudi, Guindulungan, at Datu Unsay sa probinsya ng Maguindanao.

Batay sa ulat ni 6th ID Public Affairs Office Chief Col. Prudencio Asto, nagsimula ang pagsalakay alas 11:00 ng gabi at hanggang sa kasalukuyan ay may panaka-naka pa ring putukan sa lugar.

Ang BIFM ay armadong grupo ng Moro Islamic Liberation Front.

Sinabi ni Asto na tila sinusubukan ng mga armadong grupo ang kahandaan ng military sa lugar.

Kaugnay nito, sinisikap ng mga sundalo na walang madamay na mga sibilyan sa ginagawang ito ng naturang grupo at kontrolado naman nila ang sitwasyon sa naturang lugar.

Samantala, kabilang din sa hinarass ng mga armado ang bahagi ng North Cotabato, isang detachment ng 40 Infantry Battalion sa barangay Kapinpilan, sa bayan ng Midsayap, North Cotabato

Ayon kay Battalion Commander Col. Roy Galido, pasado alas 11;00 kagabi nang paulanan ng bala ang naturang detachment, maswerte na lamang at walang nasugatan o namatay sa panig ng mga sundalo.

Nilinaw naman ni Col. Galido na walang sibilyan na lumikas mula sa lugar.

Sa kabilang banda, inamin naman ni Abu Misry Mama, tagapagsalita ng Bangsamoro Islamic Freedom Movement o BIFM na ang grupo nila ang sumalakay sa apat na bayan sa Maguindanao para ipaghiganti ang pagkamatay ng isa nilang kasamahan nang hinaras diumano sila ng 1st mechanized brigade noong June 20, 2012 at may mga kasamahan silang binawian ng buhay.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply