Detalye bago ang pagbagsak ng eroplano ni Robredo inilabas

IDINETALYE ng Mactan-Cebu International Airport Authority (MCIAA) ang ilang pangayayari bago ang pagbagsak ng Cessna plane na sinasakyan ni Interior and Local Government (DILG) Jesse Robredo, dalawang piloto at ng nakaligtas nitong aide na si P/C/Insp. June Paolo Abrazado.

Dakong alas-2:30 ng hapon (Agosto 18) umalis ang grupo ni Robredo sa Consolacion, Cebu at nagtungo sa Mactan-Cebu Airport.

Pasado alas-3:00 naman ng hapon: dumating si Robredo at sinamahan ng airport officer sa VIP room ng MCIA. Batay sa impormasyon ng Police Center for Aviation Security 7 (PCAS-7)/DILG at MCIA Public Affairs Division, naka-book si Robredo sa Cebu Pacific 5J572, Cebu-Manila at paalis sana ng 3:50 p.m. Pero sa hindi matukoy na dahilan ay nagdesisyon ang kalihim na gumamit na lamang ng private plane imbes ang commercial flight.

Pinili umano nito ang Aviatour Air, isang aviation company na nakabase sa MCIA. Tumuloy naman agad ang DILG chief sa MCIA General Aviations area ngunit hindi na dumaan sa MCIA main terminal building.

Alas-3:06 ng hapon, lumipad ang Aviatour aircraft, isang twin engine Piper Seneca, may Registry No. RPC 4431. Sakay nito ang apat katao na kinabibilangan nina Capt. Jessup Bahinting, piloto at may-ari ng eroplano, chairman at CEO ng Aviatour Air; pangalawa ay ang co-pilot na si Kshitiz Chand, isang Nepalese national; pangatlo si Secretary Robredo at pang-apat ang kanyang aide na si P/C/Insp. June Paolo Abrazado.

Alas-3:30 ng hapon: Nagpadala ng text message si Abrazado kay Col. Ritchie Posadas, PCAS-7 chief, na  sinasabi nito na nagkakaroon ng aberya ang six-seater plane sa propeller nito kaya pabalik sila ng Cebu.

Dahil dito, hiniling ng alalay ni Robredo kay Posadas na i-rebook siya at ang kalihim para sa flight na manggagaling sa Mactan. Nai-rebooked naman agad ang dalawa sa Cebu Pacific 5J570, biyaheng Cebu-Manila na aalis ng alas-5:05 p.m.

Alas-4:20 ng hapon, ipinaalam ni Abrazado sa PCAS-7 at ilang DILG personnel na magkakaroon sila ng emergency landing sa Masbate Airport.

Tinanong naman ito ng mga taga PCAS-7 kung ano ang kanilang kalagayan, sumagot naman ang aide ni Robredo na “Okey naman.”

Huling nakatanggap ng tawag ang MCIA control tower mula sa grupo ni Robredo na nagsasabing nasa 150 feet na ang Cessna at pababa na sila ngunit posibleng mag-undershoot sa runway.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply