DFA: Ambassador Brady mabuti na ang kalagayan

MABUTI na ngayon ang kalagayn ni Philippine Ambassador to China Sonia Brady matapos na maisugod sa ospital at atakehin sa puso sa kanyang bahay sa Beijing.

Sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) spokesman at Undersecretary Raul Hernandez, na mino-monitor ng mga doktor ang lagay ni Brady kasunod ng pagsailalim sa ilang medical test.

Kung maalala, dumanas din ng mild stroke si Brady noong Mayo bago ito italagang ambassador ng bansa sa China.

Una na ring nagsilbi bilang ambassador sa China si Brady sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Gloria Arroyo, taong 2006 hanggang 2010.

Agas na itinalaga bilang envoy ng bansa si Brady sa gitna ng pangangailangan patungkol sa standoff ng bansa at China sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea (South China Sea).

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply