DFA hangad ang mabilis na paggaling ni Brady

HANGAD ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mabilis na recovery ni Philippine Ambassador to China Sonia Brady makaraang atakehin sa puso sa kanyang bahay sa Beijing, China.

Ayon kay DFA spokesman Raul Hernandez, sa ngayon ay unti-unti nang bumubuti ang kondisyon ni Brady matapos ma-stroke sa Beijing noong Agosto 22.

Sinabi ni Hernandez na si Deputy Chief of Mission Alex Chua ang namumuno ngayon sa embahada ng bansa sa China.

Dumanas din ng mild stroke si Brady noong Mayo nang italaga siyang bago ito italagang ambassador ng bansa sa China.

Una na ring nagsilbi bilang ambassador sa China si Brady sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Gloria Arroyo, taong 2006 hanggang 2010.

Agad siyang itinalaga bilang envoy ng bansa sa gitna ng pangangailangan patungkol sa standoff ng bansa at China sa pinag-aagawang teritoryo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply