DFA inisnab ng Cambodian envoy

INISNAB ng Cambodian ambassador ang mga imbitasyon ng Department of Foreign Affairs (DFA) para ito ay magpaliwanag kaugnay sa mga kontrobersiyal na pahayag laban sa Pilipinas.

Inihayag ni DFA spokesperson Raul Hernandez na dalawang beses nang pina-summon ng gobyerno ang Cambodian envoy, subalit sinasabing “abala” umano ito kaya’t hindi makakadalo.

Tanging ang Second Secretary ng Cambodian Embassy lamang ang tumanggap sa ipinadalang note verbal ng DFA , sa pagpapakita ng pagwawalang bahala sa daing ng Pilipinas.

“We hope to receive a reply but for now he is indisposed but we will keep on summoning him until he is able to come to the Department of Foreign Affairs to explain these accusations,” babala ni Hernandez.

Una rito, inakusahan ni Cambodian ambassador to the Philippine Hos Sereythonh ang Pilipinas at Vietnam ng umano’y nasa likod para siraan ang Cambodia, na nagsilbing chair ng nakaraang ASEAN summit.

Iginiit pa ni Hernandez na magiging malaking isyu umano laban sa ambassador kung  sakaling patuloy na iisnabin nito ang panawagan ng Pilipinas. Nais umano gayahin ng Cambodia ang Tsina kung paano nito tratuhin ang foreign policy ng bansa dahil nakikita nito na walang magawa ang mga opisyal ng Pilipinas kahit bastusin sila ng Tsina .

Kumpara sa bansang Tsina, mas kaya ng DFA na pwersahin ang Cambodia upang magpaliwanag sa pamahalaan hinggil sa mga aksyon nito, di tulad ng Tsina na kahit manghimasok sa teritoryo ng bansa ay ingat pa ang DFA na magbitaw ng mga di-kanais-nais na akusasyon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply