‘Di pagkakasama ni De Lima sa shortlist, ikinatuwa ng Malakanyang

IKINATUWA ng Malakanyang ang hindi pagkakasama ng pangalan ni Justice Secretary Leila de Lima sa shortlist na isinumite ng Judicial and Bar Council (JBC) kay Pangulong Benigno Aquino III.

Ang katuwiran ni Presidential spokesman Edwin Lacierda ay makakapag-concentrate na si De Lima sa mga gawain nito sa Department of Justice (DoJ).

“I am certainly happy that she is back. She can concentrate with her work as Secretary of Justice. We are very, very comfortable with her being our Secretary of Justice. We don’t know yet so I can’t say and I would have to defer to Secretary Leila de Lima if ever her name is again nominated as an associate justice,” ayon kay Sec. Lacierda.

At para maiwasan na ang anomang hindi pagkakaintindihan sa pagitan ng JBC at Malakanyang, nagdesisyon na, aniya, si De Lima na wala na itong balak kuwestiyunin ang naging desisyon ng JBC.

Nasa kamay pa rin ni Pangulong Aquino ang shortlist ng walong pangalan ng mga nominado na pagpipiian niyang pumalit kay dating Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

Inamin ni Lacierda na hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin nakakapili ang Punong Ehekutibo ng susunod na SC Chief Justice.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply