‘Di tamang pasahod at inutil na barangay

BIBIGYAN ng daan muli ng Lily’s Files ang ilan sa mga  tambak na mga text message at mga nag-email  ng kanilang mga reklamo at hinaing tungkol sa kanilang mga employer o lugar ngunit tulad ng dati ay hindi po natin babanggitin dito ang kanilang mga pangalan at cellphone number para na rin po sa  kanilang kahilingan at  proteksiyon.

Kung anoman ang mailalathala ng  pahayagang REMATE ay iyon po ang nakasaad sa kanilang mga padalang text messages at email sa inyong lingkod at wala po akong babaguhin o papalitang mga salita.

oOo

Magandang araw po sa Lily’s Files. Nais ko pong idulog  ang aking hinaing sa kompanyang Electrodynamic Construction and Development Inc. na pagmamay-ari ni Leonardo Cuevas.

Ang kompanya pong ito ay hindi nagpapasahod sa tamang oras. Ang asawa ko po na empleyado ay hindi pa nakatatanggap ng sahod sa dalawang buwang  pagtatrabaho.

Sana po ay maiparating sa kinauukulan ang aking  reklamo. Maraming salamat po at more power sa Lily’s Files Column.

oOo

Good day Lily’s Files. Sana po maiparating ninyo kay Manila Mayor Alfredo Lim na ang mga Barangay Official ng Barangay  310 sa Sta. Cruz, Manila ay walang ginagawang tulong sa aming mga residente.

Panay lang po pamumulitika ang alam  ng mga tao niya rito gayong  napakalayo pa ng election.

oOo

MAGANDANG umaga po sa inyo, Ma’am Lily. Nais ko lang pong ipakalampag o humingi ng tulong sa inyo tungkol sa demanda ko kontra  sa Agency.

Ang tagal po ng  desisyon. Dapat  po 3 months lang. Ang nangyari po ay magwawalong buwan na ito sa sala ni Arbiter Fe Cellan sa Labor  Banawe, Quezon City.

Ano po ba ang magandang gawin dito? Sobrang tagal na po, wala pang desisyon.

Pakipayuhan  nga po ninyo ako at pakikalampag na lang po ang opisina nila sa sobrang kabagalan na magdesisyon.

Umaasa po ako sa inyong kasagutan at sana po ay maiparating ninyo ito sa kanilang kaalaman.

oOo

Para sa inyong reklamo,  suhestiyon at komento, mag-text lang po sa 09155683000  o 09087230036 o kaya ay  mag- email sa lpr_2012@yahoo.com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply