DILG post tinanggihan ni Binay

IPINAHAYAG ng kampo ni Vice President Jejomar Binay na hindi ito interesado sa Department of Interior and Local Government (DILG) post.

Ang pagtanggi ni Binay ay ipinahayag mismo ni Joey Salgado, ang tagapagsalita ni Binay .

Ayon kay Salgado, prayoridad ng pangalawang Pangulo ang pagtulong sa mga Overseas Filipino Worker’s gayundin ang pagtutok sa isyung pabahay.

Samantala, naniniwala naman si Senate President Juan Ponce Enrile na mas “swak” si Sen. Panfilo “Ping” Lacson sa mga lumulutang na pangalan bilang kapalit ng namayapang si Department of Interior and Local Govenment (DILG) Sec. Jesse Robredo.

Ayon kay Enrile, dati nang pinamunuan ni Lacson ang PNP at pamilyar din ito sa pulitika at malapit din sa mga local leaders sa bansa.

Naniniwala rin si Enrile na malaki ang magagawa ni Lacson sakaling ito ang italaga sa DILG.

Kung sa political content naman, mas nakakalamang din si Lacson lalo pa at nalibot na nito halos lahat ng sulok ng Pilipinas.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply