Dingdong Dantes iwas to death kay Karylle dahil pinagbabawalan ni Marianita

VERY blooming ang career ngayon ni Dingdong Dantes.

Host ang actor with Carla Abella sa Protege, The Battle for the Big Artista Break, then may dalawang pelikula siya ang One More Try sa Star Cinema with Angel Locsin, Angelica Panganiban and Zanjoe Marudo as directed by Ruel S. Bayani.

Bale sexy drama ang tema ng movie at may mga daring scenes na ginawa rito si Dong. Then, ‘yung isa pa niyang movie na Tiktik: The Aswang Chronicles ay hindi lang siya artista rito kundi producer rin kasama ng mga co-producer na GMA Films at Dondon Monteverde ng Reality Entertainment.

Aside sa kanyang movie outfit na itinatag (Agostodos production), matagal ng part owner si Dingdong kasama ng ex girlfriend na si Karylle sa ilang taon na rin nilang business na Center Stage Videoke Bar na located riyan sa may Timog Circle sa Kyusi. Tapos, magkakaroon sila ng panibagong branch sa SM Mall of Asia. Pero this time, nag-begg off na ang actor na makipagsosyo pa. Sabi, pinagbawalan raw kasi ito ng nobyang si Marianita Rivera na makipag-associate pa kay Karylle.

Knowing Marianita, sobra-sobra ang insecurity nito sa daughter ni Zsa Zsa Padilla dahil alam nito na pwede pang magkaroon ng Part 2 ang relasyon nito with Dong. Sa mga meeting nga raw ng Center Stage, ‘di na nagpupunta ang actor dahil pag-aawayan lang nila ito ni Marianita.

Ganon? Kung kailan pa naman willing na itong si Karylle na makatrabaho ulit si Dingdong tapos may ganitong drama pa rin pala si MR? Well, thet is her point of view gyud!

***

Richard at Dawn sikretong ikinasal sa No. 1 teleseryeng ‘Walang Hanggan’

SUNUD-SUNOD ang laban ng mga puso sa Walang Hanggan. RICHARD AT DAWN, SIKRETONG IKINASAL? Walang humpay ang usapan ngayon kaugnay ng wedding scene nina Richard Gomez at Dawn Zulueta sa phenomenal TV drama sa bansa na Walang Hanggan.

Para kina Dawn at Richard, napaka-espesyal ng mistulang ‘sikretong’ kasalan nila sa no.1 TV program dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon ng lumakad sila sa altar. “Sa ilang pelikula namin, oo kinasal kami. Pero never kaming pinakita na nasa simbahan at kinakasal,” kwento ni Dawn. “First time ito na mangyayari sa love team namin. Sa movies kasi, sinasabi lang na ikinasal na kami, tapos honeymoon na ‘yung eksena,” ani Richard na suportado ng buo niyang pamilya sa kanyang teleserye. “Kahit ‘yung anak kong si Juliana avid viewer. Tinatakpan pa ‘yun ears niya at sasabihan ako na ‘daddy, don’t tell me what will happen. I will just watch the show!” Matuloy na kaya ang pinakahihintay na kasalan nina Marco (Richard) at Emily (Dawn)?

Abangan sa phenomenal TV drama ng Pilipinas, Walang Hanggan, gabi-gabi, pagkatapos ng Princess and I sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply