Dingdong, naibigay na ang sarili niya nang buung-buo kay Marian!

NAKAUSAP namin si Dingdong Dantes sa gala night ng Protégé’ kung saan ay inihayag na ang top 20 aspirants na maglaban-laban sa naturang artista search.

Ano ang regalo ni Marian Rivera nu’ng nakaraang birthday niya?

“Well, sinagot niya ‘yung isang dinner sa family. ‘Yun lang, simple, okey sa akin ‘yun. Hindi kailangan ng ano…palamuting regalo. Sumama siya sa akin, okey na sa akin,” sey niya.

Ano’ng regalo niya kay Marian sa nalalapit na kaarawan nito?

“Wala pa. Iniisip ko pa, e! Mahirap din kasi ang mag-isip ng ibibigay sa kanya! Pero usually naman mga 3 days  before, may maibibigay na ako sa kanya,” sagot niya.

Ibigay mo ang sarili mo nang buung-buo?

“Naibigay ko na, e,” sabay tawa niya.

Kasi si Marian pag nagmahal, hindi kamay ang ibinibigay, buong katawan niya. Ano ang comment niya tungkol doon?

“Oo, ganoon siya talagang klaseng tao. Ibinibigay rin niya ang sarili niya, talagang buung-buo. At naa-appreciate ko naman ‘yun. Kung ano ang ibinigay sa akin, aalagaan ko naman,” tugon niya.

Ganon rin ba siya?

“Kanya-kanya naman tayong version, e! Siguro, hindi ko masasabi in those words pero I express myself in diffe- rent way,” tugon niya.

Hindi ba naglambing si Marian ng mga bibilhin sa Hongkong?

“Wala kasi hindi kami masyadong nag-shopping, e! Talagang lakad lang. At saka mas in-enjoy nga namin ‘yung mga night market ‘yung mga ganoon lang. Mga simpleng bagay na..Disneyland, ganoon.

Nag-Disneyland pa rin kayo?

“Oo, inaanak ko kasama, e! May mga bagong kasama at unang punta. Masaya,” aniya pa.

Hindi siya nabitin sa bakasyon?

“Kailangang umuwi, e, dahil sa ‘Protégé’.

Sa totoo lang kasal na lang ang kulang sa kanila ni Marian!

Ano ang kanyang masasabi na kanyang naka-bonding ang tatay ni Marian?

“Masaya. Mas Masaya this time around kasi nakilala ko na siya nang husto. Enjoy lang talaga, enjoy lang. At saka, maayos na ang communication ngayon dahil sa technology,” sey pa niya.

“Good time lang talaga. Hindi siya umiinom, e. Hindi rin ako masyadong umiinom. Ha!ha!ha! May may common interest rin kami,” dagdag pa niya.

Anyway, napadako ang usapan sa ‘Protégé’, hindi ba siya napi-pressure kasi rati wala silang katapat at solo lang na ipinapalabas?

“Well, oo, magandang may pressure kasi kahit mismong contestants dapat umayos-ayos sila. Hindi naman madali na magkaroon ng bagong artista. Siyempe, ka-kumpetensya nila ang isa’t isa, e!,” aniya pa.

By the way, bukod sa ‘Protégé’ may filmfest entry rin si Dingdong with Angel Locsin sa Star Cinema bukod sa prodyus niyang pelikula na Tiktik: The Aswang Chronicles na ipapalabas naman sa October 17.

Dumako rin ang usapan sa pagpo-prodyus ni Dong ng pelikulang Tiktik: The Aswang Chronicles na showing sa Octo- ber 17.

“Mas matindi ang excitement kasi bukod sa andun ako para gumanap bilang artista at producer, exciting na maging part of something na breakthrough, na groundbreaking na first in Philippine Cinema. Iba siya, e! Mas tumitindi ‘yung respeto at pagmamahal ko sa industriya,” sey niya.

Itinodo ba niya sa pelikulang ito ang pagiging produ niya dahil napakalaking proyekto ito?

“Well, sa lahat naman like sa ‘Segunda Mano’ all out din naman ako. Rito ganoon din pero magkaiba sila ng konsepto.”

Nakamagkano siya dito?

“Basta para sa akin hindi mo ito matutumbasan na kahit anong halaga kasi ‘yung dedication ng tao nag-uumpisa. Alam kasi nila na hindi ito normal film na magagawa every three months, e! Dapat pang-filmfest pa ito last year pero I choice to do ‘Seguna Mano’ first. Tapos ngayon may filmfest entry rin ako.”

Ano ang role niya sa ‘Tiktik’?

“Isang walang kuwentang boyfriend na lasenggero na iresponsable na later on ay medyo magkakaroon ng switch da- hil sa mga aswang … entertaining siya,” kuwento  pa niya.

Talbog!

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply