Dinukot na Indian ng Abu Sayyaf nakapuga

NAKAPUGA sa kamay ng armadong Abu Sayyaf Group ang isang Indian national na dinukot ng grupo sa Sulu noong 2011, ayon sa ulat kaninang umaga ng pulisya.

Sinabi ni Senior Superintendent Antonio Freyra, Sulu police chief, na ang biktimang si Biju Koolara Veettil, 36-anyos, ay natagpuan ng isang ayaw magpakilalang residente sa Parang village, dakong alas-12:15 ng madaling araw.

Si Veettil, na nakapasangawa ng lokal na katutubo ay dinukot habang binibisita ang kanyang mga biyenan, hipag at bayaw sa Sulu noong umaga ng Hunyo.

Kaagad namang humingi ang mga kidnapper sa pamilya ni Veettil ng ransom money pero dahil sa kakulangan ng pera ay hindi nagkabayaran.

Nitong Marso lamang, nakatanggap ng impormasyon ang Sulu police na pinatay na si Veettil ng mga Abu Sayyaf sapagkat hindi nakapagbayad ang kanyang pamilya ng hinihinging ransom money ng mga kidnapper.

Pero sa hindi pa malamang dahilan ay nakatakas si Veettil at nakababa mula sa hideout ng ASG patungo sa nasabing lugar.

“He is now in the custody of the Sulu provincial police office and is undergoing medical checkup and debriefing,” pahayag ni Freyra.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply