Direk Joey Javier Reyes humingi ng tawad kay Mama Alfie Lorenzo

INAKO na ni Direk Joey Javier Reyes ang lahat ng kasalanan at pagkakamali sa pagkuha niya sa serbisyo ni Judy Ann Santos ng walang paalam sa manager nito na si Mama Alfie Lorenzo Para sa indie film na Mga Mumunting Lihim na entry ni direk Joey sa Cinemalaya na palabas pa rin ngayon. At least nag-effort na si direk Joey na humingi ng paumanhin kay Mama Alfie kahit na may kasalanan rin naman dito si Juday.

Kasi kung talagang pinahahalagahan pa ng actress si Mama Alfie dapat ay siya na mismo ang unang nagsabi na may tinanggap siyang project na walang budget. Na kaya niya ginawa ay dahil gusto niya ang istorya at tumatanaw lang siya ng utang na loob kay direk Joey na nag-direk ng dalawang blockbuster movies nila ng mister na si Ryan Agoncillo.

Honestly, no offensement to Juday, matagal na naming naririnig na parang binabalewala na nito ang manager na si Mama Alfie na nakasama niya sa pag-akyat sa kasikatang tinatamasa hanggang ngayon. Mas pinapaboran na raw nito ngayon ang a- gent sa mga endorsement na si Ms. Jean “Something”.

Sana next time, kapag tatanggap ng proyekto si Juday ay humingi naman siya ng permiso kay Mama Alfie dahil ‘yun ang tama at dapat. Korek gyud!

***

Alaga ni Mama Jobert Sucaldito na si Michael Pangilinan inapi-api sa X Factor

Isa sa rason kung bakit pinapanood namin tuwing Sabado at Linggo ang X Factor ay dahil kina KC Concepcion at bet naming napasama sa Top 20 Finalist na alaga ni Mama Jobert Sucaldito na si Michael Pangilinan na talaga namang hindi lang guwapo kundi world-class pa ang talent. Kaya hindi lang kami ang nabigo kundi ang maraming supporters nito ng hindi mapasama ang newcomer sa X Factor Top 12.

Mas pinaboran pa ng chakang si Arnel Pineda ang kapwa niya pangit na komedyanteng taga Cebu na kahit ito mismo duda sa kanyang sarili na makapapasok siya sa top 12 na maglalaban-laban ng live soon. At kahit ‘yung mga dalawa pang kasamahan ni Michael sa Top 5, napa -kaordinaryo lang ng talent ng mga ito at ang mga face, walang mga arrive!

Si Martin Nievera na mentor ng group nila ni Michael ay naging patas naman pero si Arnel na guest judge lang ang nagmaganda at nagmarunong at tila pinersonal pa ang manager ni Michael na si Mama Jobert Sucaldito kaya lantarang inilaglag ang alaga ng kasamahan namin sa hanapbuhay.

Napanood na naming mag-perform ng live sa guesting niya sa SRO na BROS & BRAS Concert sa Zirkoh Tomas Morato sa Kyusi last July 21 si Michael at hindi lang kami nina BFFT Pete A at BFF Abe Paulite ang humanga sa husay at galing nito kundi buong audience ay naghihiyawan sa gwaping na singer lalo na nang kantahin nito ang maramdaming version na Dance With My Father na ini- handog niya sa kanyang daddy na present sa nasabing concert.

By the way, sa album launch concert ni Michael sa Zirkoh sa December 5, ang mentor sa X Factor Philippines na si Martin Nievera at kasamahang judge rito na si Tita Pilita Corales ang kanyang mga guest.

For sure kapag na-witness ng mga ito ang performance ni Michael at dating nito sa audience tiyak na maghihinayang sina Martin at tita Pilita kung bakit hindi napasama sa kanilang Top 12 sa X Factor ang nasabing talent ni Mama Jobert.

Well, ramdam namin na mas tatalbugan pa sa kasikatan ni Michael ang mga nasa top 12 ngayon na karamihan sa kanila ay kulang naman sa X Factor. Pasintabi lang gyud!

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply