Disaster budget ni PNoy, hihimayin ng Senado

HINDI paliligtasin ni Senador Edgardo Angara ang panukalang badyet ng administrasyon ni Pangulong Benigno Aquino III sa kalamidad kabilang ang pondong inilaan upang maiwasan, maayos at mabawasan ang panganib sa panahon ng anomang klase ng pambansang kagipitan.

Sa pahayag ngayong araw, sinabi ni Angara na dapat matukoy ng Senado kung nakaangkla ang badyet ni Pangulong Aquino sa kalamidad sa risk reduction, mitigation at adaptation sa harap ng malawakang pagbaha sa Kamaynilaan at ibang bahagi ng Luzon.

“When we deliberate on the national budget for next year, we will scrutinize the government’s disaster management plan. We expect it–and will require it–to be anchored on risk reduction, mitigation, and adaption,” ayon kay Angara.

Nanghihimutok si Angara na kung mahusay na nagamit ang badyet ng pamahalaan hinggil sa risk reduction sa anomang kalamidad, disin sana’y nabawasan ang pananalasa ng matinding pag-ulan sa buhay at ari-arian katulad nang nangyari ngayon.

“If natural calamities such as this rampaging monsoon are indeed the “new normal,” then the government ought to be implementing strategies it has not done so before,” aniya.

Dahil dito, nanawagan si Angara sa pambansa at lokal na pamahalaan na tugunan ang resilience ng ating mamamayan ng katulad ng resilience ng ating mga lungsod.

“We have been spending more on relief and rehabilitation rather than on long-term solutions that will reduce our risks and vulnerabilities–and prevent such disastrous impacts from happening again,” aniya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply