Disbarment case vs de Lima, dedesisyunan bukas

MAGDEDESISYON bukas, Lunes (Agosto 6) ang Integrated Bar of the Philippines (IBP) sa inihaing motion for reconsideration ni Justice Leila de Lima na madismis ang kinakaharap na disbarment case.

Ayon sa IBP, dedesisyunan ito dakong alas 9:00 ng umaga bukas, dalawang oras bago magbotohan para sa isusumiteng shortlist ng mga nominado kay Pangulong Benigno Aquino para sa susunod na Punong Mahistrado ng Kataastaasang Hukuman.

Base sa panuntunan ng Judicial Bar and Council (JBC), nanganganib namang hindi maisama sa shortlist si de Lima .

Ang inihaing motion for reconsideration ni de Lima ay humihiling na ma-dismis ang kanyang disbarment case kahit hindi pa dumadaan sa pormal na imbestiagsyon.

Sakali naman umanong hindi mapaboran ang mosyon ni de Lima  ay posibleng iakyat nito sa Korte Suprema ang kanyang kaso.

Ayon pa sa IBP, si de Lima ay hindi rin nakapagbigay ng kopya ng MOR sa magkabilang panig.

Sinabi naman ng IBP na maaaring i-akyat ni de Lima sa Korte Suprema ang kaso sakaling hindi mapagbigyan ang kaniyang mosyon.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply