Divers ng Phl Navy, PCG pinahanga si PNoy

PINAHANGA ng mga technical divers ng Philippine Navy (PN) at Philippine Coastguard (PCG) ang Pangulong Benigno Aquino sa ginawang retrieval sa lumubog na eroplanong sinakyan ng Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Jesse Robredo.

Lalong humanga ang Pangulo matapos tanggihan ng mga ito ang parangal at honorarium na alok sa kanilang pagdalo sa huling gabi ng lamay ni Robredo sa Palasyo.

Sinabi ng divers na ginawa lamang nila ang kanilang tungkulin at hindi nila kailangang mabigyan ng parangal.

Sapat na umano sa kanila ang makita nila ang labi ng kalihim mula sa bumagsak nitong eroplano.

Samantla, bumalik sa Masbate ang mga technical divers ng Philippine Coast Guard (PCG) upang tulungan ang mga diver na kunin mula sa ilalim ng dagat ang kanang makina ng eroplanong bumagsak sa karagatan ng Masbate.

Nananatili naman sa crash site ang BRP EDSA 2 ng Coastguard upang umalalay sa mga diver.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply