DOF, tutol sa Sin Tax bill ng Kamara

HINDI sang-ayon ang Department of Finance sa inaprubahang “sin tax bill” ng Kamara.

Anang DOF, mas gusto nilang ibalik ang orihinal na panukala ng Malakanyang na magbibigay ng mataas na buwis hindi lamang sa tabako kundi sa produktong alkohol.

Sa pagdinig ng Senate committee on ways and means, iprinisinta ni Finance Secretary Cesar Purisima sa mga senador ang original version ng DOF-back bill na naglalayong lumikom ng P60 bilyon na additional revenue para sa gobyerno.

Ibig sabihin, P30 bilyon ang kokolektahin buwis sa sigarilyo, P19 bilyon sa fermented liquor kasama na ang beer at P11 bilyon naman sa distilled spirits.

Ang nasabing orihinal na proposal ng DOF ay halos 1,000% pagtaas sa buwis sa sigarilyo at alkohol.

Sa inaprubahan naman na House version ng sin tax bill, nakasaad doon na ang projected revenues sa excise tax ay P31.28 bilyon na ang share ng alkohol ay P4.48 bilyon (15%) habang P26.8 bilyon (85%) naman sa tabako.

Sinabi ni Purisima kay Senate ways and means committee chair, Sen. Ralph Recto na mas gusto niya ang orginal DOF bill na magpapataw ng “unitary tax rate” sa produktong alokohol at tabako para makalikom ng karagdagang P60 bilyong kita ang gobyerno.

Samantala, sa pag-aaral ng Senate Tax Study & Research Office sa proposal ng DOF, lumalabas na ang excise tax border ng low priced beers at lumalaki ng tatlong ulit sa medium-priced beer at apat na beses naman sa high price beer.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply