DOH: Balite Bay ligtas na sa red tide toxin

INIHAYAG ng Department of Health (DOH) na ligtas na mula sa red tide toxin ang Balite Bay sa Mati, Davao Oriental kaya’t maaari nang kainin ang mga shellfish na nahuhuli sa naturang lugar.

Ito ay batay sa Shellfish Bulletin No. 19 ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na ipinadala nito sa tanggapan ng DOH.

Samantala, sinabi naman ng BFAR na nananatili pa ring hindi ligtas kainin at positibo sa paralytic shellfish poison ang mga shellfish na nakokolekta mula sa Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur; Murcielagos Bay sa Zamboanga del Norte at Misamis Occidental at coastal waters ng Milagros, Masbate.

Bukod naman sa shellfish, hindi pa rin ligtas kainin ang alamang na nakukuha sa mga naturang lugar ngunit ligtas rin namang kainin ang mga isda, pusit, hipon at alimango na mahuhuli sa mga naturang karagatan.

Kailangan lamang umanong tiyaking sariwa ito, nahugasang mabuti, at natanggal ang mga bituka at hasang bago lutuing mabuti at kainin.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply