DOH nagbabala sa leptospirosis

PINAALALAHANAN ng Department of Health (DOH) ang publiko na pag-ibayuhin ang pag-iingat at iwasang lumusong sa baha lalo na ang mga lugar na lubog pa rin sa tubig baha dahil sa sakit na leptospirosis.

Ginawa ng DOH ang pahayag matapos na maitalang tumaas na sa 125 porsyento o may katumbas na 2,002  ang kaso ng sakit na leptospirosis kumpara noong nakalipas na taon.

Sa taong 2011 ay mayroon lamang 887 naitalang kaso sa kaperong buwan.

Ang Rgeion 10 naman ang may pinakamaraming bilang ng nagpositibo sa naturang sakit na may bilang na 906 kaso.

Sinundan naman ito ng region 6 na mayroon namang naitalang bilang na 393 kaso.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply