DOH, nagbabala sa mga nagse-self medication

BINALAAN ng Department of Health (DOH) ang mga residenteng naapektuhan ng baha na huwag mag-self medication dahil malalagay lamang sa panganib ang kanilang buhay

Pinayuhan ng DOH ang mga may-sakit na huwag matakot na magpagamot sa doktor.

Ang babala ay inihayag batay sa obserbasyon ni Health Assistant Secretary Eric Tayag, kaugnay sa ginawang pagmo-monitor ng health team ng DOH para magsagawa ng medical mission sa mga evacuation centers at mga binahang lugar bunsod na rin malakas na pag-ulan noong nakaraang linggo.

Ayon kay Tayag, may ilang mga residente na kahit may nararamdaman o may-sakit na ay ayaw pa ring magpatingin sa doktor.

Kaya naman maging si Health Secretary Enrique Ona, ay nag-alala at nagbabala rin sa publiko lalo na yung iniinda ang kanilang karamdaman na huwag basta uminom ng mga “antibiotic ”para sa leptospirosis dahil sa mapanganib ito sa mga nagdadalang-tao o buntis.

Sinasabing sa isinagawang medical mission ng DOH namigay rin ng relief goods at mga gamot ang mga tauhan ng DOH sa mga nasalanta ng bagsik ni Habagat.

Dahil dito pinaalalahanan ng DOH ang mga residente na huwag mag-self medication dahil inilalagay lamang nila sa panganib ang kanilang buhay.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply