DOH nagbabala vs leptospirosis

PINAALALAHANAN ngayon ng Department of Health ang publiko lalo na sa mga nakatira sa binahang lugar na huwag mag-atubiling magpatingin agad sa doctor sa oras na may maramdaman silang kakaiba sa kanilang katawan.

Ginawa ng DOH ang babala kasunod na rin ng idineklarang leptospirosis alert dulot nang walang humpay na pag-ulan at malawakang pagbaha sa Metro Manila.

Partikular na pinayuhan ni Dr Eric Tayag, Assitant Secretary ng DOH, ang mga taong lumulusong sa tubig-baha na kontaminado ng ihi ng daga (na maaaring magdulot ng sakit na leptospirosis) na uminom agad ng doxycycline 200mg, isang beses sa isang linggo

Sa talaan ng health department, mula Enero hanggang Hulyo 7 ay umabot na 2,003 ang kaso ng leptospirosis, mas mataas ng 125.7% kumpara sa 887 biktima noong 2011.

Ayon pa DOH na kung hindi maiiwasang lumusong sa tubig baha ay siguraduhing nakasuot ng bota, maghugas maigi ng paa at maglagay ng alcohol.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply