DOH namahagi ng gamot, relief goods

UMIIKOT ngayon si Health Secretary Enrique Ona, kasama ang Philippine Medical Association (PMA)  sa Malabon para mamahagi ng gamot at relief goods sa mga barangay na hindi pa humuhupa ang baha.

Bukod dito, nagsagawa ng medical mission ang grupo ni Ona na dinumog naman ng mga apektadong residente.

Kabilang sa mga ipinamahaging gamot ay ang para sa lagnat, ubo at sa mga biktima ng leptospirosis.

Kaugnay nito, nagbabala rin si Ona sa publiko na huwag basta uminom ng “anti-biotic ” sa leptospirosis.

Ito ay sa dahilang mapanganib itong inumin ng mga buntis.

Mas makabubuti umanong magpakonsulta muna sa mga doktor bago uminom ng gamot.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply