DOH: Sin tax, anti-cancer tax din

HINIMOK ng Department of Health (DOH) ang Senado na ipasa na ang Sin Tax bill sa tobacco at tingnan ito bilang isang health bill, sa halip na isipin ang halaga ng kita na ibinibigay nito sa pamahalaan.

Ayon pa kay Health Undersecretary Ted Herbosa, ang naturang panukala ay hindi lamang sin tax kundi anti-cancer tax din dahil kung mapipigilan ang mga tao sa paninigarilyo ay mababawasan rin ang mga magkakasakit ng cancer.

“This is not just a sin tax. This is an anti-cancer tax,” ani Herbosa.

Giit pa ng health official, dapat na mabatid ng mga mambabatas na ang pag-apruba sa sin tax bill ay magpapataas sa presyo ng produktong tobacco na magreresulta sa pagbaba ng konsumo ng sigarilyo at makaka-discourage sa mga kabataan na manigarilyo.

“What we are asking our good Senators is to put the health of our people as the primary concern in approving this tax measure. It is just right and responsible to tax the tobacco industry considering the billions of pesos that our healthcare is forced to carry because of the disease burden from smoking,” ani Herbosa.

Batay sa pagtaya ng World Health Organization (WHO), karamihan sa lahat ng uri ng cancer ay nakukuha mula sa paninigarilyo.

Nabatid na ang tobacco umano ang responsable sa 71 % ng lung cancer deaths sa buong mundo.

Lumilitaw na ang lung cancer ang pangunahing uri ng cancer sa Pilipinas at sanhi umano ng mataas na smoking rates, partikular sa mga lalaki.

Sinabi ni Herbosa na halos kalahati ng lahat ng lalaki sa Pilipinas ay naninigarilyo sa kasalukuyan.

“About half of all men in the Philippines are currently smoking.  It will not be surprising to see an epidemic of lung cancer among our productive members in the workforce within the next ten to fifteen years.  This will leave many children orphaned early and will have a negative effect on our economic development. This will also cost the Philippines, billions of pesos for health care, chemotherapy and palliative care.  A major lung cancer epidemic could deplete our resources for universal health care.  So we need to focus on prevention,” paliwanag pa ni Herbosa.

Sa isang pag-aaral noong 2008, lumilitaw na 11 porsiyento ng lahat ng pagkamatay sa Pilipinas ay dahil sa cancer.

Inaasahan aniyang lalo pang darami ang mga taong namamatay dahil sa cancer kung hindi pa aaksiyon ngayon hinggil dito ang pamahalaan.

“We expect the deaths from cancers to increase.  If we do not act now, this could become a full blown epidemic of early death for our workforce,” aniya.

Bukod aniya sa lung cancer, ang sigarilyo rin ay sanhi ng iba pang uri ng cancer tulad ng larynx, esophagus, stomach, pancreas, colon, at anus, kaya’t hindi aniya dapat na malulong sa naturang bisyo ang mga mamamayan.

Sa Pilipinas, kabilang sa mga top cancer killers ang lung, breast, cervix, liver, colon at rectum, prostate, stomach, oral cavity, ovary at leukemia.  Mababa rin aniya ang survival rate ng cancer cases sa bansa.

Nilinaw naman ni Herbosa na hindi lamang mga smokers ang nanganganib sa cancer kundi maging ang mga taong lantad sa second hand smoke, na itinuturing na carcinogen ng International Agency on Cancer Research.

Anang WHO, halos kalahat ng lahat ng babae at batang Pinoy ay lantad sa second hand smoke.

Maraming babae aniya ang nagkaroon ng cancer hindi dahil naninigarilyo sila kundi dahil may kasama sila sa bahay na naninigarilyo.

Bukod naman sa cancer, tatlo pa sa ibang pangunahing sanhi ng pagkamatay sa bansa ay heart attack, stroke, at chronic obstructive pulmonary disease na dahil din sa paggamit ng tobacco.

“The annual cost of these four leading smoking-related diseases is a staggering P177 billion. Even if the sin tax bill is approved, the government is expected to only generate an estimated P33 billion from the first year of its implementation. This is not even enough to compensate for the burden that these diseases bring to our healthcare system not to mention the precious lives lost because of our high smoking prevalence,” ani Herbosa.

“We have a win-win solution here.  By taxing tobacco we can generate revenue for universal health care.  At the same time, by increasing the price of tobacco to a point where youth and children cannot afford it, we are preventing young people from taking up this deadly habit,” paliwanag ng health official.

Sa pagtaya ng DOH, ang 10 percent increase sa buwis sa tobacco ay makapagpapabawas ng may dalawang milyong bilang ng mga smokers hanggang sa taong 2016. Inaasahan ring dahil sa six tax ay mababawasan rin ng 20 porsiyento ng bilang ng yearly deaths dahil sa mga smoking-related diseases.

Sa ngayon umano ang Pilipinas ang may pinakamaraming bilang ng mga smokers sa Southeast Asia na may estimated na 17.3 milyong tobacco consumers.

Tinataya namamng ang mga Filipino smokers ay humihitit ng 1,073 cigarette sticks kada taon habang ang iba pang smokers sa rehiyon ay kumukonsumo ng halos 1,000 stick ng sigarilyo kada taon.

Nasa 10 Pinoy naman bawat oras ang namamatay dahil sa paninigarilyo, na malinaw umanong larawan ng tobacco epidemic sa bansa.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply