DPWH sinisi ng MMDA sa pagbaha sa Roxas Blvd

SINISISI ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang Department of Public Works and Highways dahil hindi nila itinuloy ang naunang plano na magtayo ng dobleng seawall sa baybayin ng Roxas Blvd. kaya binaha ang nasabing lugar kahapon matapos magkaroon ng storm surge na dala ng bagyong Gener.

Ayon kay Tolentino , maiisip ng DPWH na tama ang proposal ng MMDA  na maglagay ng double-layer seawall matapos umapaw sa Roxas Blvd ang tone-toneldang  basura galing sa Manila Bay.

Walang makitang dahilan si Tolentino para balewalain ang plano na double layer seawall dahil may disenyo na ang MMDA para rito at tantiyado na ng ahensya na matatapos ito sa loob ng walong buwan lamang.

Isinumite ni Tolentino ang double seawall plan sa DPWH  noon pang Oktubre  matapos ang pinsala ng bagyong si Pedring noong Setyembre, nakaraang taon subalit di ito pinansin ng DPWH.

Naniniwala si Tolentino na ang isyu kaya hindi ito nasunod ay dahil ang MMDA ang sisikat dahil sila ang may disenyo at hindi ang DPWH na hindi dapat mangyari dahil ang unang layunin ng mga ahensya ay ang magtulungan para sa ikabubuti ng lungsod at mga mamamayan nito, at hindi ang kung sino ang may kredito sa magagandang ideya o plano, dagdag pa ng MMDA chairman.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply