Drilon sa kapwa mga senador: Sin tax bill ipasa na

NANAWAGAN si Senador Franklin Drilon sa kapwa niya mga senador na ipasa ang panukalang rationalizing excise taxes sa tobacco at alcohol products.

Ayon sa senador, sinimulan na kanina ang pagdinig sa House Bill 5727 “An Act Restructuring the Excise Tax on Alcohol and Tobacco Products,” o mas kilala sa tawag na sin tax bill.

Dagdag pa ni Drilon, ang nasabing panukalang batas ay sini-simplify at ia-update ang excise taxes on cigarettes and liquor, kung saan madadagdagan ng P33 bilyon kada taon para sa national government.

Sang-ayon din ang senador sa proponents ng panukala na magre-retionalize sa sintax, hindi lang lalaki ang pondo ng government health care program, kundi makakatulong din para mag-improve ang health of ordinary Filipinos.

“That smoking has no known benefit is beyond question. It is costly, it is harmful to one’s health and it kills. That is a fact that has been proven by countless medical studies. And I know this from experience because my first wife died due to lung cancer,” ani Drilon. “I want to spare our people from the tragedy of losing a loved one. This is why we should discourage people from smoking, and one of the ways to do that is to raise the price of cigarettes and make it less accessible to more people,” ani Drilon.

Ayon kay Drilon, ang mga mahihirap ang dumaranas nang husto mula sa paninigarilyo kaysa sa mga mayayaman dahil hindi kaya ng mga ito na magpagamot kapag nagkasakit na dulot ng paninigarilyo.

Dahil hindi umano kaya ng mga ito na magpagamot ng maayos, ipo-provide na ng gobyerno ang pagpapagamot sa mga ito.

“In my view, the sin tax bill is first and foremost a health measure, which is long overdue. We need to pass this bill now.” Ani Drilon.

Dagdag pa ng senador, ang halaga ng local cigarette ngayon ang pinaka-cheap sa Asya and raising the prices would not kill the tobacco industry as some opponents of the bill have claimed.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply