Droga sa NAIA walang lusot sa kampanya

NAPAPANAHON na siguro upang patigasin ang batas kaugnay sa droga dito sa ating bansa kasabay ng mahigpit na pagbabantay ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) laban sa mga dayuhang nagtatangkang magpuslit ng droga sa nasabing paliparan.

Halos magmakaawa tayo sa mga lider ng  ibang bansa kapag nahulihan ng droga at napatawan ng parusang kamatayan ang ating mga kababayan tapos maluwag naman tayo sa kanila.

Ginagawang laruan lang ng drug mules ang bansa sa pag-aakalang mabibili nila o matatapalan ng pera ang mga tauhan ng BoC sa NAIA kapag nahuli sila sa pagpupuslit ng droga.

Iyan ang malaking pagkakamali nila dahil mula nang maupo si Commissioner Ruffy Biazon ay sinimulan niya ang paglilinis sa BOC upang hindi na ito mabansagang pinaka-corrupt na ahensiya ng pamahalaan.

Kaya nga nais ni Biazon na magkaroon ng mas mabigat at mabilis na batas na maipapataw sa mga foreign drug courier upang masindak na ang mga ito at mapatunayang hindi na biro-biro ang kampanya ng Aquino Administration hindi lang kontra sa katiwalian kundi sa droga lalo na.

Pero kung katulad pa rin ni National Bilibid Prisons (NBP) director Gaudencio Pangilinan ang nasa posisyon para atasan ang mga magbabantay sa mga high risk prisoners, aba’y tiyak na makakatakas tulad ng nangyari sa kaso ni Rolito Go.

Aba’y nakatutuwang nakatakas si Go (mas lalong magmumukhang tanga ang pamahalaan kapag ipinilit na dinukot) sa isang compound na heavily guarded at ipinagmamalaking may mga cctv.

Maganda ang layunin ni Biazon at mga tao niya dahil “walang tulugan” ang kanilang kampanya at lakas ng pang-amoy sa mga kontrabando hindi lang ng mga smuggler kundi maging ng drug couriers.

Sa loob lamang ng isang buwan ay ilang dayuhan na ang natiklo at nasampahan ng kaso.

Ang pinakahuli ay dalawang babaeng Vietnamese na nahulihan ng kilo-kilong droga.

Saludo ang Pakurot sa  husay sa pagtupad sa tung-kulin nina BOC-ESS Director George Alino, CPD chief Col. Joey Yuchongco, Customs Police NAIA-District Commander Marlon Almeda at Legal and Investigation Custom police Byron Carbonell. Siyempre maging sa iba pa nilang kasama at mga tauhan na kasama sa magagandang accomplishments.

Tuloy-tuloy lang ang trabaho!

Isang masigabong palakpakan at pagkilala ang nais igawad sa mga opisyal at tauhan ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) at Philippine National Police (PNP) na nagsanib puwersa upang mahuli ang “ninong” ng lahat ng carnapping syndicates sa bansa.

Mababawasan na ang sakit ng ulo ng mga pulis sa pagkakaaresto ni Jovel Tan Entote sa parking lot ng Casino Español de Cebu sa Cebu City noong Agosto 7.

Pinangunahan ni Chief Supt. Reginald Villasanta, PAOCC executive director, ang pagpiprisinta kay Entote na mahigit tatlong taon na ring nagtatago kaugnay sa pagpatay kay Rodolfo Petalino na ninakawan pa ng Toyota Grandia sa Katipunan Road, Quezon City noong 2009.

Mabuhay ang PNP na patuloy na nagtatrabaho ang mga tauhan upang mapanatili ang katahimikan at kaayusan ng ating bansa.

Sa PAOCC, Highway Patrol Group at Region 7 PNP, keep up the good work!

Magtuloy-tuloy pa sana ang panghuhuli ninyo ng mga miyembro ng sindikato na sumisira sa imahe ng kapulisan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply