Drug courier sa bansa tututukan ng BOC

MAHIGPIT na tututukan ng Bureau of Customs (BOC) ang mga drug courier na magtatangkang pumasok sa Pilipinas.

Kasunod na rin ito sa pagkakaaresto sa isang Nepalese na nahulihan ng 1.8 kilo ng shabu sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kamakailan.

Ayon kay Customs Collector Tess Roque, ang mga ahensya tulad ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ay nakikipag-ugnayan na sa BOC at nagbibigay ng advance information patungkol sa mga posibleng miyembro ng sindikato ng droga na ipapasok sa bansa.

Sinabi pa ni Roque na sa mga darating na panahon ay mayroon silang foreign training na ang US Embassy at French government ang nagbibigay ng tulong upang pag-ibayuhin ang training ng Customs personnel na nakahuhuli at nakaka-detect ng mga drogang ipinupuslit sa bansa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply