Drug pusher umalma sa aresto, todas sa mga pulis

PATAY ang isa sa dalawang drug pusher matapos pagbabarilin ng mga nagpapatrolyang pulis nang manlaban sa aresto sa Quezon City kaninang madaling-araw.

Kinilala ng mga pulis ang napatay sa pamamagitan ng nakuhang driver’s license sa  pangalang Reynaldo Ambrosio, 40, ng #14 Molave St., Libertad, Pasig City.

Sa ulat, nangyari ang shootout pasado alas-12:30 ng madaling-araw sa Kabilugan St., Brgy. Gulod, Novaliches , Q. C.

Batay sa ulat ng pulisya , nagpapatrulya noon sina SPO1 Ferdinand de Guzman, SPO1 Cyril Dausin, SPO1, Reynante Lalinao, PO3 Ramon Alden, PO3 Cesar Collado, PO3 Raymond Gonzales, PO2 Christina Uy, PO2 Buco sakay ng dalawang patrol cars nang mamataan nila ang kahina-hinalang ikinikilos ng dalawang lalaki sa nasabing lugar.

Akmang lalapitan ng mga pulis ang mga suspek  pero mabilis  umanong bumunot  ng baril  ang isa sa mga ito kaya inunahan na ng putok  ng papalapit na mga pulis.

Narekober sa lugar ng krimen ang ilang basyo ng bala ng kalibre-40 at tatlong sachet ng shabu sa  bulsa ng biktima .

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply