DSWD, LGUs aayuda sa ‘Gener’ victims

NAGSANIB puwersa ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ilang ahensiya ng pamahalaan kabilang na ang local government units (LGUs) sa pagtulong sa mga naging biktima ng Typhoon ‘Gener’ partikular na sa mga Rehiyong I, II, III, IV-A, IV-B, VI, X, CAR at NCR.

Sa katunayan, ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, nakikipag-ugnayan na si Social Welfare and Development Secretary Dinky Soliman sa LGUs sa pamamagitan ng kani-kanilang City/Municipal Social Welfare and Development Offices (C/MSWDOs) upang agad na mabigyan ng relief assistance ang mga apektadong pamilya maging ang management of evacuation centers.

Sa ulat, 61,335 pamilya na may katumbas na 295,388 katao sa 449 barangays, 15 lungsod, 82 munisipalidad at 21 lalawigan  sa 9 na rehiyon ang naapektuhan ng bagyong ‘Gener.’

Tinatayang 27 evacuation centers ang nananatiling nakabukas upang magbigay ng pansamatalang tuluyan sa  907 pamilya o 3,798 katao.

Ang mga evacuation centers na ito ay matatagpuan sa Metro Manila (3), Benguet (2), Pangasinan (1), Bulacan (4), Cavite (3), Batangas (3), Rizal (2), Laguna (1); Occidental Mindoro (2) at Negros Occidental (6).

Bukod dito, may kabuuang 30,828 pamilya o 148,452 katao naman ang tinutulungan sa laban ng mga naturang evacuation centers.

Ang DSWD Field Offices sa mga apektadong rehiyon ay nagbigay ng ulat na may kabuuang 2,379 nawasak na bahay kung saan 375 naman ang kabuuan ang nasira habang 2,004 ang itinuturing na partially destroyed.

“The total amount of relief assistance provided to the affected families as of 6am today, is P2,517,747 from the combined resources of the DSWD (P883,390.00), concerned LGUs (P1,402,357) and non-government organizations (P232,000),” ani Valte.

Samantala, sinabi naman ni Soliman na naglaan ang DSWD ng P43.82 million kung saan may P4.77 million standby funds at P39 million relief goods na handa para ipamahagi ng LGUs sa mga apektado ng bagyong ‘Gener.’

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply