DSWD naka-alerto sa bagyong Igme

NAKA-ALERTO na ang Department of Social and Welfare Development (DSWD) sa panalalasa ng bagyong Igme.

Sinabi ni Social and Welfare Development Secretary Dinky Soliman na naka-preposition na ang 1,352 family food packs para sa mga maaapektuhan ng bagyo

Mayroon ding stand by funds na umaabot sa P452,604 na maaaring ipamahagi sa mga mangagailangan na lokal na pamahalaan.

Kaugnay nito, na isa na ang naitalang patay ng dahil sa pananalasa ng bagyong Igme.

Kinilala ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) ang namatay na si Michael Estacio na sinasabing nalunod ng baha sa La Union.

Sa ngayon ay nasa 353 na mga pamilya na ang apektado mula sa lugar na naapektuhan ng pag-ulan at pagbaha.

Sa huling report ng PAGASA, sinabi nitong lalo pang lumakas si Igme habang patuloy itong kumikilos ng pa-hilaga-hilaga ng China.

Mamayang gabi, inaasahang nasa layong 300 kilometro na ng silangan-hilagang-silangan ng Basco, Batanes ang bagyong Igme.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply