Dual citizen makauupo sa gobyerno

PWEDENG umupo sa anomang posisyon sa gobyerno maging ito may elected o appointed ang isang Filipino na may dual citizenship sa bansa.

Ito ang nilalaman ng House Bill 6397 na inakda ni Alagad partylist Rep. Rodante Marcoleta, na kanyang isinulong sa Kamara na naglalayong amendahan ang Republic Act 9225 o ang  “Citizenship Retention and Re-acquisition Act of 2003.”

Sinabi ni Marcoleta na sa kasalukuyang batas, kinakailangan pang bawiin o lisanin ang kanyang foreign citizenship bago ito pwedeng makapag-file ng kanyang kandidatura o umupo sa  isang public office.

May nakapaloob pang kondisyon sa nasabing probisyon ang pangangailangang ideklara ang pagiging Filipino citizenship at ng kanyang pagtupad o suporta sa konstitusyon ng Pilipinas.

Ayon sa panukala ni Marcoleta, maaari nang ma-appoint o umupo sa anomang government  position kahit hindi nito lisanin ang kanyang citizenship sa isang bansa dahil bilang Filipino citizen ay mai-enjoy na ang full civic, economic at political rights at maging ang responsibilidad at  obligasyon ng isang mamamayan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply