Ebidensiya vs Corona’s, kulang pa

AMINADO ang Bureau of Internal Revenue (BIR) na kulang-kulang pa ang kanilang mga ebidensiya laban kay dating Chief Justice Renato Corona, sa kabila nang paghahain ng kasong tax evasion laban sa dating punong mahistrado.

Pero iginiit ni BIR Commissioner Kim Jacinto-Henares na batay sa mga hawak nilang dokumento, malinaw ng may paglabag na agad si Corona sa batas.

Tinukoy ni Henares ang P20-million SALN declaration ng former chief justice, gayong ang networth nito ay umaabot sa mahigit P160 million.

Maliban kay Corona, sabit din sa kaso ang anak nitong Maria Carla Beatriz at manugang na si Constantino Castillo.

Una ng umalma si Henares sa akusasyon na naging overkill ang BIR sa hakbangin nitong maghain ng kaso laban kay Corona.

Binigyang diin pa ng BIR chief na tungkulin lamang nila na ipatupad ang batas partikular ang pangongolekta ng buwis at habulin ang may paglabag dito.

Kabilang sa mga ginamit nilang batayan para sampahan ng kaso ang kampo ni Corona ay ang mga bank certifications at ang kopya ng statement of assets, liabilities and net worth (SALN) na isinumite sa impeachment court.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply