Eid’l Fitr pinangunahan ni Mayor Alfredo Lim

PINANGUNAHAN kanina ni Manila Mayor Alfredo S. Lim kasama ang mga opisyal ng Muslim Community ang Eid’l Fitr o pagtatapos ng Ramadhan sa Bulwagang Villegas ng Manila City Hall.

Nagpasalamat naman ang mga miyembro ng  Muslim community sa alkalde dahil sa pagbibigay sa kanila ng oportunidad kada taon na maipagdiwang ang  Eid’l Fitr.

“This is the wisdom of our beloved Mayor Alfredo S. Lim’s institutionalizing the celebration of the Eid’l Fitr at Bulwagan Gat Antonio Villeges for several years now. This will be one of the most treasured legacies of the City of Manila ,” ayon kay  Bae Bayolan Tamano Marohombsar, Consultant On Muslim Affairs and Concerns ng  City of Manila.

Sinabi pa ni Tamano na ipinakita ni Lim ang kanyang pagsuporta sa mga muslim sa pangunguna nito sa paggunita ng Ramadhan.

Kaugnay nito, sinabi ni Lim na anuman ang paniniwala ng bawat isa, dapat na magtulungan at magkaisa.

Dumalo sa nabanggit na okasyon sina Honorable Mehol K. Sadain, (Secretary ng National Commission of Muslim Filipinos), His Excellency, Ali Asghar Mohammdi, (Embassy ng Islamic Republic of Iran), His Excellency, Mohammed Hassan (Royal Embassy ng Saudi Arabia), Ambassador Malai Halimah Yussof ng Brunei Darussalam, Imm.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply