Ekonomiya ng Pilipinas nag-boom kina PNoy at Biazon

KAKAIBA talaga ang angking galing ni Pangulong Noynoy Aquino dahil nagawa niyang paunlarin ang ekonomiya ng bansa sa kabila ng sandamukal na problemang ipinamana sa kanya ng nakalipas na administrasyon.

Malinaw naman kasi sa sinabi ng ekonomistang si Michael Spencer, pinuno ng Deutsche Bank AG sa Asia, na kakaiba ang palo ng galing ni PNoy dahil sa kabila ng mga nagbabagsakang ekonomiya sa mundo ay nakuha pang umangat ng Pilipinas.

Maging ang US at karamihan sa mga bansa sa Europa ay bumabagsak ang ekonomiya pero ang Pinas ay bukod tangi dahil nag-number 2 ang ating estado sa nagtala ng pinakamagandang ekonomiya sa Asia kasunod ng Intsik na alam naman nating patuloy ang pag-asenso.

Sabi ni Spencer, nagtala ang Pilipinas ng 6.4 percent economic growth habang ang China ay nagtala ng 8.1 percent, na kung ating pagkukumparahin ay lumalabas na mas angat pa ang itinakbo ng ekonomiya ng bansa dahil hindi naman hamak na bilyon ang tao ng Intsik at lalo’t higit alam din natin kung gaano kalaki ang teritoryo ng mga Intsik.

Malinaw din na umangat ang ekonomiya ng Pilipinas dahil lumago ang export natin at dahil na rin sa karamihan sa mga kompanya sa Japan ay lumipat na rin sa Pilipinas.

Tiyak na gaganda pang lalo ang ekonomiya ng estado kay PNoy kaya’t tuloy-tuloy lang tayo sa pakikiisa dahil maganda ang tuwid na landas na siyang tinatahak ng ating Pangulo.

###

Maging ang iligal na droga ay pinagtutuunan na rin ng pansin ng Bureau of Customs (BoC).

Nito lamang nakalipas na araw ay nakasabat ang mga bata ni Commisioner Ruffy Biazon sa NAIA ng 2.98 kilo ng shabu sa isang Vietnamese na isa umanong member ng isang international drug ring.

Ilan ding hot cars ang nakumpiska ni Biazon kahapon sa Port of Manila.

Apat na magagarang sasakyan na tinangkang ilusot sa Aduana ang nasabat at ito ay dahil na rin sa sipag at pagpupunyagi ng Task Force REACT na isa sa mga pinagka-katiwalaang unit ni Biazon sa BoC.

Level-up na si Biazon sa kanyang kampanya dahil kagaya ni PNoy, tuwid na landas din ang kanyang panuntunan sa pagpapalakad ng kanyang kagawaran na dating pugad ng mga dorobo at kawatan sa gobyerno.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply