Ekstensyon ng LRT, paaabutin sa Dasmariñas, Cavite

PINAG-AARALAN ngayon ng Department of Transportation and Communications (DOTC) ang posibilidad na paabutin sa bayan ng Dasmarinas sa halip na hanggang Bacoor, Cavite lamang ang ekstensyon ng Light Rail Transit Line 1.

Ayon kay Transportation Secretary Mar Roxas, ihahanda muna ng DOTC ang resulta ng kanilang pag-aaral bago ipresenta ang proyekto sa National Economic and Development Authority (NEDA).

Ayon pa kay Roxas, mas makabubuti na makasama rin sa proyekto ang mga bayan ng Imus at Dasmarinas upang makatulong sa pagresolba sa trapiko sa lalawigan ng Cavite.

Sa kasalukuyang plano na nagkakahalaga ng P60 bilyon, pahahabain ang ngayo’y 20.7 kilometrong LRT 1 sa 32.4 kilometro at madaragdagan ng walong istasyon, magkakaroon ng bagong “south endpoint sa Niog, Bacoor.

Nasa 10.5 kilometro ng Cavite Extension System ay “elevated” o nakaangat sa lupa habang 1.2 kilometro ay nasa “grade level”.  Aabot umano sa 4 na milyong residente ng Cavite, Paranaque at Las Pinas ang maseserbisyuhan ng naturang proyekto.

Nabatid na isasailalim sa bidding ng DOTC ang konstruksyon, operasyon at maintenance ng LRT extension na nagkakahalaga ng P30 bilyon habang ang kalahati ng P60 bilyong pondo na ipambibili ng mga tren at iba pang gamit ay mangagaling naman sa nasyunal na pamahalaan sa pamamagitan ng ‘official development assistance (ODA)’.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply