El Niño binabantayan ng PAGASA

MAHIGPIT na binabantayan ngayon ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang posibleng pag-develop ng El Niño phenomenon sa huling tatlong buwan ng taong ito.

Sinabi ni PAGASA Administrator Nathaniel Servando na ito ay batay sa assessment ng mga forecast centers sa Japan, Australia at US.

Sinabi ni Servando na kapag may El Niño, hudyat na ito ng pagtatapos ng habagat.

Dahil dito sinabi ni Servando na mayroong indikasyon na maagang mararanasan sa bansa ang El Niño na posibleng maramdaman na simula ngayong buwan hanggang Setyembre at
magpapatuloy hanggang sa buwan ng Disyembre.

Dahil dito, asahan na ang mas mababa sa normal na lebel na pag-ulan at direktang maaapektuhan ang mga nasa Silangang bahagi ng Northern at central Luzon kabilang na ang Palawan, ilang lugar sa Western at Central Visayas at Western Mindanao.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply