Electrician, huli sa buy bust ng PDEA

PARANG nakuryente makaraang matulala ang isang electrician at hindi makapaniwalang mahuhuli siya sa akto ng pagbebenta ng shabu sa isang poseur buyer ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), sa isang buy-bust operation sa Oriental Mindoro.

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Jose S. Gutierrez, Jr. ang nahuling suspek na si Kenneth D. Acedillo, ng  Barangay Pachoca, Calapan City, Oriental Mindoro.

Nauna rito, nakipag-transaksiyon umano ang tauhan ni Dir. Bryan Babang ng  PDEA Regional Office 4B (PDEA RO4B), kay Acedillo at nagkasundo sila sa bentahan ng halagang P500.

Matapos umanong tanggapin ni Acedillo ang marked money ay dito na siya inaresto na labis niyang ikinagulat.

Dahil dito, si Acedillo ay nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs), Article II,ng  Republic Act 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply