Embahada ng Japan, lulusubin ng dolphin lovers

BILANG pagkondena sa hindi makatarungang paghuli at pagtrato sa mga dolphin, lulusubin sa darating Biyernes ng iba’t-ibang grupong nagtataguyod at nagsusulong ng kapakanan ng mga hayop dito sa bansa ang embahada ng bansang Japan sa Pasay City.

Ayon kay Trixie Concepcion ng Earth Island Institute, kokondenahin nila ang nakatakda na namang pinakamalaki sa buong mundo na malawakang paghuli at pagkatay sa mga dolphin sa Taiji, Japan na magaganap sa mga susunod na araw.

Kakalampagin din, aniya, nila ang pamahalaang Japan para itigil ang karumal-dumal at walang awang paghuli at pagpatay sa mga dolphins.

Hindi lang umano sa embahada ng Japan dito sa Pilipinas magkakaroon ng pagkilos sa Biyernes kundi maging sa mga embahada ng Japan sa 29 na mga bansa para iprotesta ang nakatakda na namang Japanese dolphin hunt ngayong Setyembre.

Dito sa Pilipinas makakasama ng Earth Island Institute sa pagkalampag sa Japan embassy ang mga grupong Save the Philippine Seas, Philippine Animal Welfare Society, Animal Kingdom Foundation at maraming iba pa.

Sa ilalim ng Republic Act 8485 ng Pilipinas, mahigpit na ipinagbabawal ang pagmamalupit sa mga hayop lalo higit ang pagkatay sa mga ito.

Para sa Earth Island Institute, dapat ay matigil na rin ang pagpapalabas ng mga dolphin show hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa para matigil na rin ang pagpatay sa mga dolpin sa Japan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply