Emergency locator, pumalya; pamilya tanggap na ang sinapit ni Bahinting

MALUWAG na tinanggap na rin ng pamilya ng kasamang missing pilot ni Interior Sec. Jesse Robredo ang sinapit ng kanilang mahal sa buhay na si  Capt. Jessup Bahinting.

Sa panayam sa kapatid nitong si Orson Bahinting, sinabi nito na umaasa na lamang sila na matatagpuan pa ang katawan ng kanyang kapatid buhay man o patay.

Kaugnay nito, ipinagtataka naman ni Orson kung bakit hindi gumana ang tinatawag na emergency locator transmitter (ELT) nang bumagsak na twin-engined Piper Seneca plane.

Ayon sa opisyal, mas madali sana umanong matukoy ang location ng eroplano kung nakakabato ito ng signal.

“Ang lahat ng aming eroplano may ELT iyan, emergency locator transmitter. Automatic iyan (turn on) pag magkaroon ng impact. Ewan ko kung ano ang nangyari kung bakit walang emergency transmission. Sana maging madali sana silang mahanap,” ani Orson.

Una nang sinabi rin ni Julian Bahinting, isa rin sa mga kapatid ng piloto na halos isang taon pa lamang nang ma-renew ang Certificate of Airworthiness ng eroplano.

Ang airworthiness certificate ay iniisyu ng national aviation authority bilang patunay na ligtas pa ang nasabing sasakyang-panghimpapawid.

Sa hiwalay na panayam kay Transportation Sec. Mar Roxas, kinumpirma rin ng opisyal na pumalya ang ELT ng eroplano na makapag-transmit ng signal.

“Posibleng pumalya o kaya hindi nabuksan ng piloto. Sa ngayon mahirap mag-speculate kung bakit walang transmission ang ELT ng eroplano.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply