Empleyado na makikipagsabwatan sa politiko sisibakin

BINALAAN ngayon ng pamunuan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga empleyado nito na matutuklasang nakikipagsabwatan sa mga politiko at iba pang iligal na gawain hinggil sa pag-iisyu ng Conditional Cash Transfer (CCT) cards.

Tiniyak ni DSWD Secretary Dinky Soliman na ipatutupad niya ang direktiba para sa agarang pagsuspindi o pagsibak sa sinumang mapapatunayang namamahagi ng CCT cards kapalit ng anumang pabor o political accommodations.

Nanawagan din si Soliman sa mga kongresista na isumbong sa kanilang opisina ang mga pasaway na empleyado ng ahensya na matutuklasang lumalapit sa politiko para sa CCT cards.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply