Engineer naholdap habang nagpapalit ng tsinelas

NATANGAY ang cellphone at wallet ng isang software engineer ng tatlong hindi pa kilalang mga suspek habang ang una ay nagpapalit ng tsinelas sa Caloocan City, kaninang madaling-araw, Agosto 10.

Nakilala ang biktima na si Crissun Kong, 26 ng 4th avenue ng lungsod.

Sa ulat, alas-3:30 ng madaling-araw, nagtanggal ng sapatos ang biktima upang magpalit ng tsinelas dahil sa Epifanio Delos Santos Avenue, Monumento ng lungsod dahil inaasahan ang baha sa kanila nang lapitan ng mga suspek at tutukan ng patalim.

Kinuha ng mga suspek ang wallet ng biktima na naglalaman ng id, at cash na P1,000 at cellphone bago nagsitakas ang mga una.

Nagsumbong naman sa mga pulis ang biktima subalit hindi na nakita ang mga suspek.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply