Enrile nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya Robredo

MAGING si Senate President Juan Ponce Enrile ay lubhang nalungkot sa pagkamatay ni Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo kaya’t hinikayat nito ang administrasyon na bigyan siya ng full state honor bilang pagkilala sa kanyang serbisyo sa bansa.

“I deeply mourn the untimely demise of Interior and Local Government Secretary Jessie Robredo and extend my sincere condolences to his family,” ayon kay Enrile.

Sinabi ni Enrile na kumakatawan si Robredo sa tunay na adhikain sa reporma at dedikasyon sa kanyang tungkulin hindi lamang bilang DILG secretary kundi maging alkalde ng Naga City.

“Robredo epitomized genuine commitment to reform and dedication to duty both as DILG Secretary and as Mayor of Naga City for 18 years. He will be greatly missed,” ayon kay Enrile.

“On behalf of the Senate, I join the rest of the nation in grieving over the passing of a well-loved public servant and urge the national government to extend full state honors for him in grateful recognition of his services to the country,” patapos ng lider ng Senado. Ernie Reyes

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply